3 July 2025
Calbayog City
Provincial

Sunog, sumiklab sa kabundukan ng San Antonio, Zambales

NILAMON ng apoy ang malawak na bahagi ng bundok na nasasakupan ng Barangay Pundaquit, San Antonio, Zambales.

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa San Antonio, bandang alas onse ng umaga noong Lunes nang sumiklab ang sunog sa kabundukan.

Nakontrol ito ng mga bombero alas dose y medya na ng madaling araw ng Martes.

Upang matiyak na hindi na muling sumiklab ang apoy ay patuloy ang monitoring ng BFP, katuwang ang mga opisyal ng barangay, at Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Antonio.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).