3 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Xian Lim, napakahirap maka-trabaho, ayon sa isang writer ng GMA

MULING napukaw ni Xian Lim ang atensyon ng netizens makaraang isiwalat ng isang nagpakilalang writer sa GMA Network na “super difficult” o nakapahirap maka-trabaho ng aktor.

Sa comment section sa isang post mula sa lifestyle magazine na Esquire Philippines kung saan na-interview ang aktor, sinabi ni Brylle Tabora na ginawang miserable ni Xian ang buhay nilang mga TV writers.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang naturang writer sa kanyang naging komento.

Samantala, wala pa ring tugon si Xian at ang kanyang management na Viva Artists Agency hinggil sa claim ni Tabora.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *