ITINANGHAL ang Denver Nuggets Center na si Nikola Jokic bilang NBA Most Valuable Player sa ikatlong pagkakataon sa loob ng apat na seasons.
Ang bente nueve anyos na Serbian star, ay nanalo ng naturang award noong 2021 at 2022, at nag-first runner-up lamang sa voting noong 2023 pero pinangunahan ang Nuggets sa unang NBA title ng koponan.
Ngayong season ay nag-average si Jokic ng 26.4 points, 12.4 rebounds at 9.0 assists sa regular season.
Tinalo niya sina Oklahoma City Thunder Star Shai Gilgeous-Alexander at Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa final voting para sa MVP Award.