BINALAAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng beauty soaps na nasa ilalim ng brand ng vlogger-entrepreneur na si Rosemarie “Rosmar” Tan-Pamulaklakin dahil sa pagiging hindi rehistrado.
Sa advisory ng FDA, walang valid certificate of product notification as of Dec. 17, 2024, ang Rosmar Skin Essentials na “Premium Niacinamide Soap” at “Mysterious Madre Cacao Soap.”
ALSO READ:
Andres Muhlach, gaganap sa Role ng kanyang ama na si aga sa ‘Bagets’ Musical
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
Ate Gay, nagpasalamat sa Diyos dahil halos wala na ang kanyang bukol sa leeg
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Nakasaad din sa advisory na dahil hindi dumaan ang unauthorized cosmetic products sa notification process ng FDA, hindi magagarantiyahan ng ahensya ang kalidad ng produkto at kaligtasan ng consumers.
Samantala, iginiit ni Rosmar na tumatalima naman sila sa FDA, subalit patuloy na nire-reject ng ahensya ang kanilang aplikasyon.