INAASAHANG tataas ang Electronics Export ng bansa ng lima hanggang pitong porsyento ngayong 2025.
Ayon sa Umbrella Group ng Semiconductor at Electronic Firms sa bansa, bunsod ito ng demand para sa mga bagong teknolohiya at TELCO Products.
Una nang tinaya ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc. (SEIPI) na flat growth ang maitatala ngayong taon.
Noong nakaraang taon ay bumaba ng 6 percent o sa 42.74 billion dollars ang Electronics Export mula sa 45.65 billion dollars noong 2023.



