ISANG sasakyan na ginamit ni yumaong Pope Francis nang bumisita siya sa Bethlehem, mahigit isang dekada na ang nakalilipas, ang ginawang mobile health clinic.
Umaasa ang Christian leaders na magagamit ito sa lalong madaling panahon para makapagbigay ng lunas sa mga batang Palestinian sa Gaza.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Ang naturang hakbang ay binasbasan ni Pope Francis bago siya namatay noong Abril at ipinagkatiwala sa Catholic Organization na Caritas, na nangasiwa sa proyekto na i-convert ang sasakyan at isinapubliko kahapon.
Ginamit ni Pope Francis ang sasakyan na isang converted Mitsubishi pick-up na donasyon ni Palestian President Mahmoud Abbas, nang bumista ang Santo Papa sa Bethlehem noong 2014.
