PUMAYAG si Wikileaks Founder Julian Assange (a-sanj) na mag Plead Guilty sa Felony Charge kaugnay ng kanyang naging papel umano sa isa sa pinakamalaking US Government Breaches of Classified Material.
Batay sa bagong sumiteng Federal Court Documents, bahagi ito ng deal sa Justice Department upang hindi siya makulong sa United States.
Mahigit 180 katao, patay sa malawakang air strikes ng Israel sa Lebanon
Emergency alert, itinaas sa Japan dahil sa hinalang missile launch mula North Korea
Intelligence head ng revolutionary guards ng Iran, patay sa US-Israeli airstrikes
China, handang makipagtulungan sa Russia para maibsan ang tensyon sa Gitnang Silangan
Ayon sa Wikileaks, nakalaya na si Assange mula sa Belmarsh Security Prison sa United Kingdom, matapos ang mahigit limang taon.
Pinayagan itong mag-piyansa ng high court sa London at ni-release sa Stansted airport kung saan siya sumakay ng eroplano pabalik sa Australia na kanyang native country.
Hinabol ng US Authorities si Assange dahil sa paglalathala ng Confidential Military Records na sinupply ng dating Army Intelligence Analyst na si Chelsea Manning noong 2010 at 2011.
