KINUMPIRMA ng PNP na nasa ilalim ng kanilang proteksyon ang Whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa Press Briefing, sinabi ni PNP Chief Police General Nicolas Torre IIi na nag-apply na si alyas “Totoy” sa Witness Protection Program at kapag naaprubahan ay itu-turnover nila ito sa Department of Justice.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Samantala, nasa Restrictive Custody naman sa Camp Crame sa Quezon City ang labinlimang pulis na idinawit sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Torre, karamihan sa mga ito ay nasa Support Units, at lahat sila ay active, maliban sa isa na malapit nang mag-retiro at tatlong dating na-dismiss.
Idinagdag ng PNP chief na ilan sa labinlimang pulis na nasa Restrictive Custody ay kasama umano sa 2 million pesos na Monthly Payola mula kay atong ang na itinuturong mastermind sa kaso ng mga nawawalang sabungero, batay sa salaysay ng Whistleblower.
