INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pababain ang tensyon sa China sa West Philippine Sea.
Sa press briefing matapos ang conference kasama ang Commander-in-Chief, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., malinaw ang bilin sa kanila na huwag nang palalain ang sitwasyon sa karagatan.
Mensahe ni VP Sara ngayong Undas: Pagkakaisa, Pag-asa dapat manaig sa bawat pamilyang Pilipino
Appeals Chamber ng ICC may Napili nang judge na hahawak sa apela ni FPRRD
Mga biyahero hinikayat na isumbong ang mga tiwaling LTO Personnel
Malakihang pagtaas sa presyo ng diesel nakaamba sa susunod na linggo
Inihayag ni Brawner na aminado si Pangulong Marcos na mahirap ang ginagawa ng mga Pilipinong sundalo na habang dinidepensahan ang bansa ay pinipigilan ang kanilang mga sarili na huwag patulan ang pangha-harass ng China.
Noong nakaraang buwan ay isang Philippine Navy Sailor ang naputulan ng hinlalaki habang mayroon pang ilang nasugatan makaraang harangin ng Chinese Coast Guard ang resupply mission ng Pilipinas.
