28 September 2025
Calbayog City
National

Welfare Check kay FPRRD, bahagi ng Standard Practice sa mga Pinoy na nakakulong sa Abroad

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs ang pagbisita ng mga kinatawan ng Philippine Embassy sa The Hague kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC Detention Center.

Ayon sa DFA, bahagi ito ng Routine Welfare Check sa dating pangulo.

Ipinaliwanag ng DFA na ang ganitong pagbisita ay Standard Practice sa lahat ng Philippine Foreign Service Posts at walang pinagkaiba sa ibinibigay na Assistance sa iba pang Pinoy na nasa Detention Facilities sa ibang mga bansa.

Una nang ikinagalit ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginawang Welfare Check ng Embahada sa dating pangulo nang walang Consent ng pamilya nito.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.