NASA ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ito muna ang kanilang magagawa sa ngayon.
Kilos Protesta kontra katiwalian sa Feb. 25, kasado na
Impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos, scripted, ayon kay Cong. Pulong Duterte
Sen. Estrada at Dating DPWH Sec. Bonoan, inireklamo ng plunder sa DOJ
Dating Senador Bong Revilla, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan; Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, inaresto ng NBI matapos dumalo sa Senate Hearing
Nangangahulugan aniya ito na bibigyan ng DOJ ng proteksyon ang limang personalidad, pati na ang kanilang pamilya.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi pa sila opisyal na “State Witnesses,”” na ang ibig sabihin ay hindi pa sila ganap na ligtas sa pananagutang kriminal.
Binigyang diin ng kalihim na ang nais niya ang “buong katotohanan at pawang katotohanan lamang” para sa State Witness upang makaligtas mula sa Criminal Liability.
