INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang website para sa traffic violators na nahuli sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA Chairperson Don Artes, sa pamamagitan ng “May Huli Ka” website ay matse-check ng mga motorista sa pamamagitan ng online, kung nakagawa sila ng anumang paglabag sa trapiko.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ang website ay maaring ma-access sa pamamagitan ng phones, tablets, at computers.
Kapag nasa website na, kailangang i-type ng mga motorista ang kanilang plate number o conduction number, kasama ang kanilang Motor Vehicle File Number.