INATASAN ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sampahan ng reklamong Kriminal ang konduktor ng bus na umano’y nanguryente ng Person with Disability (PWD) na pasahero gamit ang taser.
Una nang sinuspinde ang lisensya ng driver ng bus ng siyamnapung araw kasunod ng naturang insidente.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Paliwanag ni Dizon, responsibilidad ng driver na tiyakan ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero.
Idinagdag ng kalihim na batay sa imbestigasyon, mismong konduktor ang nag-taser sa PWD, kaya bukod sa suspensyon ay kakasuhan din ito ng Kriminal.
