NAKA-half-mast ang bandila ng Pilipinas sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Lunes, Nov. 4, kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “Day of National Mourning” para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine.
Sa Proclamation No. 728 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para kay Pangulong Marcos, idineklara ang National Day of Mourning bilang pakikidalamhati sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay bunsod ng pananalasa ng bagyo.
Nakasaad din sa proklamasyon ang kahilingan sa lahat ng mga Pilipino na mag-alay ng panalangin para sa walang hanggang kapayapaan ng kaluluwa ng mga pumanaw.