KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malakanyang na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng dating pangulo ay inihain sa kaniya ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Sinabi ng PCO na maayos ang kondisyon ng kalusugan ng dating pangulo at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal naman ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.
Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga otoridad ang dating pangulo.
