18 March 2025
Calbayog City
Entertainment

Judy Ann Santos, wagi ng best actress award sa Film Festival sa Portugal

NANALO si Judy Ann Santos ng best actress award sa 45th Fantasporto Film Festival sa Portugal para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Espantaho.”

Sa kanyang instagram account, inilarawan ni Juday ang kanyang best actress plum bilang “beautiful souvenir” mula sa Film Festival.

Ibinahagi rin niya ang kanyang litrato habang hawak ang kanyang trophy na aniya ay malamig at mabigat.

Idinagdag ng aktres na bagaman iniisip niya ang babayaran niya sa excess baggage ay masaya pa rin siya basta maiuwi lang niya ang trophy.

Pinasalamatan din ni Juday sina Chito Roño, Chris Martinez, at Atty. Joji Alonso, na nagsilbing director, writer, at producer ng “Espantaho,” gayundin ang lahat ng cast and crew ng pelikula.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).