BUMAGSAK sa 203.151 Billion pesos ang gross borrowings ng National Government noong Enero.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ng 44.6 percent ang gross borrowings noong unang buwan ng taon mula sa 366.863 noong January 2023.
Sa naturang buwan, 141.505 billion pesos ng utang ay mula sa domestic creditors, na mas mababa ng 21.1 percent kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, ang gross external debt ay naitala sa 61.646 billion pesos, na mas mababa ng 67.1 percent mula sa 187.563 billion noong January 2023.