13 July 2025
Calbayog City
National

Mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga POGO at IGLs paaalisin na ng bansa sa loob ng 60 araw ayon sa BI

TINIYAK ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at Internet Gaming Licensees (IGLs) ay paaalisin ng bansa sa loob ng 60-araw.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. na i-ban ang lahat ng POGO sa bansa.

Ayon kay Tansingco, ang mga foreign nationals na nagtatrabaho sa POGOs at IGLs, gayundin sa iba pang kahalintulad na service providers ay bibigyan lamang ng 59 na araw para makapaghanda na umalis ng bansa.

Sa pagtaya ng BI, nasa 20,000 foreign workers sa nasabing mga industrya ang palalabasin ng bansa sa susunod na 2-buwan.

Hindi na din aaprubahan ng BI ang mga nakabinbing aplikasyon at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers.

Ayon sa BI Chief, mayroon silang hawak na listahan ng mga dayuhan na trabahador ng POGOs at IGLs na nakuha nila mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.