13 February 2025
Calbayog City
National

Vice President Sara Duterte, umalis patungong Germany sa kasagsagan nang pananalsa ng bagyong Carina

LUMIPAD patungong Germany si Vice President Sara Duterte Carpio, kasama ang pamilya.

Pasado ala-1:00 na ng madaling-araw ng July 24, 2024 nang makalipad ang Emirates Airlines Flight EK-335, matapos na ma-delay patungong Dubai bilang connecting flight ng bise presidente via Munich, Germany.

Hindi pa nagbibigay ng anumang opisyal na statement ang Office of the Vice President (OVP) kung bakit umalis ang pangalawang pangulo sa gitnang delubyong nararanasan ngayon ng mga tao dahil sa pagbaha at sama ng panahon.

Kasama ni Vice President Duterte ang kanyang asawang si Mans Carpio, mga anak nila at ang 76-anyos niyang ina na si Elizabeth Zimmerman.

Matatandaang kumalas na sa gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si VP Duterte nang mag-resign itong kalihim ng Department of Education kung saan si dating Sen. Sonny Angara ang humalili.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.