NAKAPAGTALA na ng 2,294 na kaso ng Influenza-like Illness o ILI sa Quezon City mula January 1 hanggang October 21 ngayong taon.
Mas mataas na ito ng 76.87% kumpara sa mga kaso ng ili noong 2024 sa kaparehong panahon.
ALSO READ:
Diocese sa Metro Manila, kalapit na lalawigan pinaghahandaan ang “Big One”
Construction worker, patay; 3 iba pa, nasugatan sa pagbagsak ng Elevator Core Wall sa BGC sa Taguig
Mall Hours na 11 A.M. To 11 P.M., ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 17
PHLPOST at DPWH, lumagda ng kasunduan para sa Restoration ng nasunog na Manila Central Post Office
Paalala ng Quezon City LGU, maging maingat para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Ang mga simpleng pwedeng gawin ay ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, pagsusuot ng Face Mask lalo na kung may ubo o sipon, pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing, at pagkain ng masustansyang pagkain.
Mahalaga din ang pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog at Regular na pag-eehersisyo.