Dumalo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023 Exit Conference na inorganisa ng DILG-Calbayog.
Sa pulong ay in-update ang key government officials, kaugnay ng resulta ng assessment noong nakalipas na taon.
Tiniyak naman ng Calbayog City na patuloy na pagbubutihin ang pamamahala upang makamit ang SGLG ngayong 2024.