LABIMPITONG firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH), isang linggo bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Nai-record ang injuries simula Dec. 22 hanggang 23 sa animnapu’t dalawang ospital sa buong bansa.
ALSO READ:
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Sa labimpitong nasugatan, labing anim ang mga lalaki, edad pito hanggang tatlumpu’t pito.
Mas mataas ito kumpara sa anim na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasang gumamit ng anumang uri ng paputok sa pagdiriwang ng holidays.
