BUMAGSAK ang isang maliit na eroplano sa urban center, sa Gramado City sa Brazil, na ikinasawi ng lahat ng sampung sakay nito at ikinasugat ng labimpitong iba pa na nasa ground.
Ayon sa National Civil Defense sa Brazil, bumangga ang aircraft sa chimney ng isang gusali, saka tumama sa isang bahay at tuluyang bumagsak sa isang furniture store habang tinamaan din ng debris ang isang inn.
Sinabi ni Eduardo Leite, Governor ng Rio Grande Do Sul, na lahat ng nasawi ay bahagi ng isang pamilya.
Dalawa naman aniya sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa pagkasunog ng kanilang balat.
Patuloy ang imbestigasyon ng Brazilian authorities sa sanhi ng trahedya.