NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na susubukan ng adminsitrasyon na idawit siya sa Multibillion-Peso Flood Control Scandal.
Ayon kay VP Sara, dahil umabot na sa kaniyang malapit na kaalyado na si Senator Bong Go ang tumbok ng imbestigasyon, inaasahan na niyang darating ang panahon na idadawit na din siya sa isyu ng Malakanyang.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sinabi ng bise presidente na hindi malayong susubukin ng gobyerno na paabutin sa kaniyang ang isyu lalo at malapit na kaalyado ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Bong Go.
Una nang sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na sa tingin niya ay pinoprotektahan ng mag-asawang Discaya si Senator Bong Go at ang kumpanyang pag-aari ng pamilya nito.
Binanggit din ni Public Works Secretary Vince Dizon na inaalam na nila ang posibleng kaugnayan ng senador sa mag-asawang contractor.
