Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na binisita ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang chief of staff na naka-detine sa Kamara.
Ayon kay Velasco, binisita ni VP Sara si USec. Zuleika Lopez at nanatili siya doon hanggang sa matapos ang visiting hours alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (Nov. 21).
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Sa opisina ng kaniyang kapatid na si Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte nagpalipas ng gabi si VP Sara.
Naka-detine sa Kamara si Lopez matapos mapatawan ng contempt ng House Committee on Good Government and Public Accoundability.
Mananatili si Lopez sa Kamara hanggang sa susunod na pagdinig ng komite sa Nov. 25. Ang pagdinig ay may kaugnayan sa umano ay hindi maipaliwanag na paggastos sa public fund ng Office of the Vice President.
