HINILING ni Vice President Sara Duterte sa korte suprema na ibasura ang mga petisyon na inihain ng iba’t ibang indibidwal laban sa kontrobersyal na 125 million pesos na Confidential Fund ng Office of the Vice President.
Sa consolidated comment na isinumite ng kanyang abogado na si Estelito Mendoza sa supreme court, sinabi ng bise presidente na ang mga isinampang petisyon ay haka-haka lamang tungkol sa contingent funds o confidential funds, na hindi bumubuo sa isang justiciable controversy.
Ang magkakahiwalay na petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng pondo ay inihain ng grupo ng mga abogado, kabilang sina Christian Monsod at Howard Calleja, at ACT Teachers Party-List sa kataas-taasang hukuman.
Pinababalik din ni Monsod at ng ACT Teachers sa OVP ang 125 million pesos na pondo sa National Treasury.