15 February 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, ibinida sa mga OFW sa Brunei ang malilikhang 49,000 na mga trabaho sa pumasok na P1.26-Trillion investments sa Pilipinas 

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Overseas Filipino Workers sa Brunei, ang pumasok na 1.26 Trillion investments sa Pilipinas noong 2023.

Sa pakikisalamuha sa Filipino Community sa Brunei, inihayag ng pangulo na sa oras na maisakatuparan ang investments, inaasahang lilikha ito ng mahigit 49,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Patunay aniya ito ng tiwala ng mga investor sa bansa.

Bukod dito, patuloy aniyang sinisikap ng administrasyon na makalikom ng mas marami pang investments para dumami pa ang job opportunities, upang ang pagta-trabaho sa abroad ay maging isa na lamang career choice at hindi nag-iisang option.

Hinikayat  din ng pangulo ang mga OFW na magbalik-bansa balang araw at mamuhunan din sa Pilipinas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *