PINAGPAPALIWANAG ng online community sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang vlogger at negosyanteng si Rosmar Tan matapos nitong aminin sa Actress-vlogger na si Toni Gonzaga na kumikita siya ng lima hanggang labintatlong milyon kada araw.
Naging online debate naman ito ng mga netizens kung siya ba ay nagbabayad ng buwis o hindi.
Kaya naman, tinawag ng mga netizen ang atensyon ng BIR upang pa-imbestigahan ang tax liabilities ni Rosmar.
Ayon sa negosyante, nagsimula lamang siya sa 40,000 pesos na kita kadaa raw hanggang sa lumago ito sa milyon.