NAGSALITA na si Maricel Soriano tungkol sa kanyang health condition na nakaapekto sa kanyang kakayahang maglakad.
Sa kanyang latest Youtube vlog, ibinahagi ng veteran actress na mayroon siyang arthritis sa spine o gulugod.
ALSO READ:
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ate Gay, nakumpleto na ang kanyang Chemotherapy Sessions
Jonathan Bailey, itinanghal bilang Sexiest Man Alive for 2025 ng People’s Magazine
Sinabi ng diamond star na mula spine ay abot hanggang leeg ang kanyang arthritis, kaya nagpa-injection siya sa likod.
Gayunman, hindi aniya nawala ang sakit kaya ang ginawa ay sa mismong gulugod siya tinurukan ng steroids, at matagal bago ito umepekto kaya iika-ika siyang maglakad at manhid ang kanyang mga paa.
Bukod pa aniya rito ay mayroon siyang pinched nerve.
Inihayag ni Maricel na nais muna niyang i-explore ang ibang klase ng treatment bago ikonsidera na magpa-opera.
