22 January 2025
Calbayog City
Metro

Vietnamese national timbog sa anti-drug operations sa Parañaque

vietnamese

Dinakip ng mga otoridad ang isang Vietnamese national matapos makumpiskahan ng umano’y iligal na droga sa gitna ng anti- illegal drug operation sa Macapagal Boulevard,  Barangay Tambo sa Parañaque City.

Ang naarestong suspek ay kinilala lamang sa alyas Le, na kasalukuyang nakadetine sa Parañaque City Police Station dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa suspek ang limang pakete na naglalaman ng umano’y shabu, 18 na ‘ecstacy’ tablets, limang pakete na naglalaman ng ‘ketamine’,sling bag,brown wallet, tatlong IDs (dalawang Vietnamese IDs at isang  alien ID), at cellphone.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *