INILIPAT ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isandaan at limampung Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Leyte Regional Prison mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sinabi ng BuCor na ang naturang hakbang ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang mapaluwag ang NBP bilang paghahanda sa pagsasara nito pagsapit ng 2028.
Ayon sa BuCor, dahil dito, umabot na sa 9,427 ang kabuuang bilang ng PDLs mula sa Bilibid na inilipat mula sa iba’t ibang operating prison and penal farm.
Idinagdag ng ahensya na lahat ng indibidwal na nakalista sa transfer order ay masusing kinilala, upang matiyak na lahat ng kinakailangang protocols ay nasunod.