PINABULAANAN ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap na Television And Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.) ang nag-produce ng kanyang upcoming movie na “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Binigyang diin ni Yap na hindi under ng TAPE ang pelikula, hindi pinondohan ng anti-Sottos, at lalo aniyang hindi ginawa para ma-clear ang Sotto connection.
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Gayunman, ayon sa isang reliable source ay mayroong litrato ang direktor, kasama ang isang mayamang personalidad na konektado sa politika.
Idinagdag pa ng source na ang mayamang persolidad ay kaaway ng taong malapit sa veteran actor-TV host na si Vic Sotto.
Kamakailan ay nag face-off sina Vic at Darryl sa korte sa Muntinlupa para sa hearing sa petition for Writ of Habeas Data ng aktor laban sa pelikula ng direktor kung saan nabanggit ang kanyang pangalan sa ipinalabas na teaser.
