7 February 2025
Calbayog City
Local

Renovation ng Julio Cardinal Rosales Plaza, unti-unti nang nagiging maaliwalas

default

TULOY-tuloy ang progreso sa renobasyon ng Julio Cardinal Rosales Plaza (dating Sacred Heart Plaza), para gawing mas maaliwasalas ang dating nakakulob na parke.

Inalis na ang malalaking kongkretong pundasyon at mga bakod na gawa sa bakal at square hollow box sections.

Sa ngayon ay matatanaw na mula sa parke ang malawak na kapaligiran,  lalo na ang Sts. Peter and Paul Cathedral at ang Calbayog City Hall na itinayo noong 1920s.

Sinimulan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang renovation ng Cardinal Rosales Plaza at Nijaga Park, sa layunin na gawing mas accessible ang mga parke sa lungsod.

Ipinag-utos din ni Mayor Mon ang paglalagay ng libreng Wi-Fi sa lugar, para mabigyan ng internet access ang mga estudyante at makahikayat ng mas maraming bisita.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).