INANUNSYO ni US President Donald Trump ang pagkalas ng Amerika sa World Health Organization (WHO).
Binigyang diin ng nagbabalik na US President, na nabigo ang global health agency na kumilos nang malaya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pang international health crises.
ALSO READ:
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Sinabi ni Trump na nagpa-impluwensya ang WHO sa ibang member states, at inobliga ang US ng napakalaking payments, na hindi patas sa siningil sa ibang malalaking bansa, gaya ng China.
Nilagdaan ni Trump ang naturang executive order, ilang oras matapos ang inagurasyon para sa kanyang ikalawang termino.
