KINANSELA ang Vienna Leg Tour ni American Mega-Star Taylor Swift makaraang maaresto sa Austria ang isang lalaking may kaugnayan sa Islamic Attack plot, ayon sa organizers ng show.
Una nang kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkakadakip sa disi nueve anyos na Islamic State (IS) group sympathizer, bunsod ng umano’y pagpa-plano ng pag-atake sa Vienna Region, at naka-focus umano sa tatlong upcoming shows ni Taylor.
Maine Mendoza, inaming na-inlove kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub
P-Pop Group BINI nagsampa ng kaso laban sa hindi pinangalanang indibidwal
Bela Padilla, nagreklamo sa mataas na Tax na ipinataw ng Customs sa mga produktong binili niya sa online
Shaira Diaz at EA Guzman, ikinasal na matapos ang 12 taong pagiging magkasintahan
Sa Instagram, inihayag ng Barracuda Music na kasunod ng kumpirmasyon mula sa government officials, tungkol sa planong terrorist attack sa Ernst Happel Stadium, ay wala silang choice kundi kanselahin ang tatlong scheduled shows para sa kaligtasan ng lahat.
Tiniyak naman ng organizers na mare-refund ng lahat ng would-be-concert-goers ang kani-kanilang tickets.