IPINAGDIWANG ng lalawigan ng Samar ang kanilang 183rd Founding Anniversary, kahapon.
Ito’y bilang paggunita sa royal decree na inisyu ni Queen Elizabeth II ng Espanya noong Aug. 11, 1841, na nag-apruba sa re-creation ng Samar bilang military province sa Pilipinas.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Samantala, bilang bahagi ng kapistahan, idinaos ang Mutya han Samar Grand Coronation Night noong Biyernes, Aug. 9, sa Municipal Gym ng Basey.
Kinoronahan si Mary Faith Libres mula sa Gandara bilang Mutya han Samar 2024 na nagwagi rin ng “Best Evening Gown.”
Kabilang sa magiging tungkulin ni Libres bilang Mutya ay isulong ang Tourism, Cultural Heritage, at Environmental Awareness.
