BINUHUSAN ng national government ng 1.68 billion pesos ang road projects patungo sa mga tourist destination sa Eastern Visayas sa nakalipas na tatlong taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Ayon kay DOT Eastern Visayas Director Karina Rosa Tiopes, sa ilalim ng 2022 hanggang 2014 allotment, ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 70 road projects na may total length na 47 kilometers sa pamamagitan ng pondo mula sa tourism department.
Aniya, mayorya ng mga proyekto sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program (trip) ay ongoing.
Idinagdag ni Tiopes na karamihan sa mga destinasyon ay matatagpuan sa rural communities, na hindi lamang magpapalakas sa turismo kundi pati na sa pagbi-biyahe ng agricultural products patungo sa sentro ng bayan.