MAKARARANAS ng power interruption ang ilang bahagi ng Samar sa Sabado at Linggo.
Sa advisory mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), pansamantalang mapuputol ang supply ng kuryente mula 5 a.m.hanggang 6 p.m. Sa Sabado habang 6 a.m. Hanggang 7 a.m. At 5 p.m. Hanggang 6 p.m. Sa Linggo.
ALSO READ:
Albuera Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI – Cebu kaugnay ng kasong murder
Pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar, malapit nang umarangkada
Landslides at pagbaha sa 1.4K na barangay sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Basyang, ibinabala ng MGB
Militar, pinaigting ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA sa San Jorge, Samar
Maaapektuhan nito ang mga lugar na siniserbisyuhan ng SAMELCO I (San Agustin Substation).
Ang scheduled power interruption ay para bigyang daan ang pagkukumpuni sa depektibong transmission line sa kahabaan ng Sta. Margarita-Bliss 69 kilovolt line.
Gayundin ang request ng mga customer para sa energization ng bagong Paranas substation 10MVA transformer ng SAMELCO II.
