BUMISITA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa burol ni National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor.
Kasama ng pangulo na dumalaw sa Heritage Park sa Taguig kahapon si First Lady Liza Araneta-Marcos.
ALSO READ:
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Una nang kinilala ni Pangulong Marcos ang kontribusyon ni Nora sa National Heritage sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula.
Pumanaw ang superstar noong April 16, sa edad na 71, bunsod ng acute respiratory failure.
Sa huling pagkakataon ay kikilalanin si Nora sa pamamagitan ng Necrological Service at bibigyan ng State Funeral, ngayong Martes.
Ihihimlay ang superstar sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
