NAMAYAGPAG ang PLDT sa pagbubukas ng 2025 AVC Champions League kontra Queensland Pirate ng Australia, sa score na 25-19, 25-12, 25-12, sa PhilSports Arena.
Nagawang makabawi ng High Speed Hitters mula sa 1-6 deficit sa pagsisimula ng match at nakumpleto ang sweep para makapagtala ng 1-0 sa Pool D.
ALSO READ:
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Unang nagpakita ng lakas ang Queensland Pirates sa pamamagitan ng kanilang middle blocker na si Scarlett Ruder kaya nagkaroon sila ng 5-point advantage.
Gayunman, pinigilan ito nina Savi Davison at Wilma Salas dahilan kaya napasakamay ng PLDT ang panalo sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa naturang torneyo.
Bukod sa PLDT, nanalo rin ang Creamline sa pagbubukas ng AVC Champions League matapos ding i-sweep ang Al Naser ng Jordan.