20 May 2025
Calbayog City
Business

External debt service, bumaba noong Enero

BUMAGSAK ng mahigit 50 percent ang external debt service ng Pilipinas noong Enero, sa gitna ng pagbagsak ng principal payments.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumaba ng 54.3% o sa 799 million dollars ang debt servicing sa external borrowings noong unang buwan mula sa 1.75 billion dollars na naitala noong January 2024.

Kabilang sa binayaran ang amortization na bumagsak ng 92.5% o sa 79 million dollars mula sa 1.06 billion dollars.

Lumobo naman ng 3.8% o sa 719 million dollars ang interest payments noong Enero mula sa 693 million dollars na binayaran sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).