12 October 2025
Calbayog City
Local

Halos 40 sakahan sa Eastern Visayas, tumanggap ng Good Practices Tag

SINERTIPIKAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang tatlumpu’t siyam na sakahan sa Eastern Visayas matapos makapasa sa Philippine Good Agricultural Practices (PHILGAP).

Ibig sabihin nito ay nakapag-secure ang mga naturang farms ng mas magandang market opportunities.

Ang 39 farms ay mula sa first batch na nakakuha ng sertipikasyon na galing sa pamahalaan, batay sa mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng pagkain, pangangalaga sa kalikasan, kalusugan at kapakanan ng mga manggagawa, at kalidad ng produkto.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).