PUMALO sa panibagong record-high ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Pebrero ngayong taon.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, umabot na sa P15.18 trillion ang utang ng pamahalaan, na mas mataas ng 2.63 percent kumpara sa 14.8 trillion pesos noong katapusan ng Enero.
Ayon sa treasury, 69.68 percent ng P15.18 trillion na utang ay mula sa domestic creditors habang 30.32 percent ang inutang sa labas ng bansa.