PLANO ni US Secretary of State Marco Rubio na bumisita sa Pilipinas sa susunod na buwan para pagtibayin ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Trump Administration.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala pang eksaktong petsa ang pagbisita ni Rubio.
ALSO READ:
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Gayunman, posible aniya ito sa Abril, pagkatapos ng nakatakdang biyahe ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Manila sa susunod na linggo.
Pagkatapos ng high-level visits ng mga opisyal ng Amerika sa Pilipinas, tiwala si Romualdez na ang handa na ang dalawang pamahalaan na pagtibayin ang “Exact Timing” ng pagbisita ni Pangulong Ferdinang Marcos Jr. Sa White House.
