Dadalo si US President-Elect Donald Trump sa state funeral para kay dating US President Jimmy Carter na pumanaw sa edad na isandaan noong linggo.
Sa pagpasok ni Trump sa New Year’s eve party sa kanyang Mar-a-lago home sa Florida, tinanong ito ng reporter sa plano niya sa funeral ni Carter sa National Cathedral sa Jan. 9 sa Washington DC.
Sinabi ng US President-Elect na inimbitahan siya ng pamilya na dumalo sa libing ng dating pangulo, subalit tumanggi ito na isiwalat kung sino sa mga carter ang kanyang nakausap.