INANUNSYO ni US President Donald Trump sa unang araw ng kanyang pagbabalik sa White House na pinag-aaralan niyang patawan ng sampung porsyentong taripa sa imports ang mga produkto ng china simula sa Pebrero.
Binigyang katwiran ni Trump ang naturang plano ay bunsod ng pagluluwas ng China sa US ng Fentanyl – isang gamot na nagpapalala sa drug crises sa buong mundo – sa pamamagitan ng Mexico at Canada.
Sinundan niya ito ng pagbabanta na papatawan ng 25 percent na import taxes ang dalawang nabanggit na bansa.
Inakusahan ni Trump ang Mexico at Canada na pinapayagan ang undocumented migrants at drugs na makarating sa Amerika.