NAKAPAGTALA muli ng mahinang pagputok ang Taal Volcano sa Batangas.
Pasado alas dos ng madaling araw, kahapon, nang maitala ng PHIVOLCS ang steam-driven eruption, na lumikha ng 500-meter plume mula sa crater ng bulkan.
Ito na ang ikatlong pagputok ng Taal ngayong buwan na ang huli ay noong Jan.10.
Nakuhanan ng thermal camera ng Taal Volcano Observatory sa Talisay, Batangas ang naturang pagputok.
Patuloy na umiiral ang alert Level 1 o low-level unrest sa Bulkang Taal.