3 July 2025
Calbayog City
Business

BOP Surplus, bumagsak noong 2024

BUMAGSAK ang Balance of Payment (BOP) Surplus ng bansa noong 2024, dahilan para hindi maabot ang full-year projection ng Central Bank.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot lamang ang full-year bop Surplus noong nakaraang taon sa 609 Million Dollars.

83.4 percent itong mas mababa kumpara sa 3.672-Billion Dollar Surplus na naitala noong katapusan ng 2023.

Mas mababa rin ito sa full-year projection ng BSP na 3.5 Billion Dollars.

Ang surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa bansa habang ang deficit ay mas maraming pera ang lumabas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).