Itinakda ng University of the Philippines (UP) sa August 2 at 3, 2025 ang pagdaraos ng UPCAT2026.
Paalala ng UP, para sa mga kukuha ng College Admission Test, kailangang i-print ng kanilang test permit sa short-sized bond paper.
Bago ang araw ng pagsusulit sinabi ng UP na mas mainam na bisitahin na ang testing center para mas madali na itong makita at mapuntahan.
Kabilang sa mga inirerekomendang pag-aralan ang Language Proficiency, Science, Mathematics, at Reading Comprehension.
Para sa mga morning session, kailangang dumating sa testing venue 6:00 ng umaga at 12:00 ng tanghali naman para sa afternoon session.