PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pananambang at pagpatay sa university professor, sa Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si Engr. Israel Angas, propesor sa Notre Dame University-College of Engineering and Computer Studies, at residente ng barangay Rosary Heights 3.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na si Angas lulan ng minamanehong kulay puting SUV nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo.
Labindalawang basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko ang narekober sa crime scene.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo sa pamamaslang.
